MANILA, Philippines - Ipinagmalaki ng Na tional Capital Regional PoÂlice Office (NCRPO) ang pagÂtatala nila ng “zero crime†sa mga bisinidad ng mga paaralan sa Kamaynilaan sa unang linggo ng pagbabalik eskuwela ng mga estudÂyante mula nitong Hunyo 3.
Sinabi ni Espina na walang naitalang anumang uri ng snatching, panghoÂholdap o maging pangiÂngikil sa mga bisinidad ng mga paaralan dahil sa presensya ng kanilang mga tauhan na nagmamando sa mga itinatag na Police Assistance Desks (PADs) at pakikiisa ng mga opisyales ng mga paaralan.
Dahil sa tagumpay ng PADs sa mga pampubli kong paaralan na nagbukas ng klase nitong Hunyo 3, magtatatag rin ang NCRPO ng mga assistance desks sa mga pribadong paaralan na karamihan ay nagsimula na rin ang klase kahapon at ang iba ay sa Hunyo 17.
Sa kabila nito, tiniyak ni Espina na nakatutok pa rin ang kanilang puÂwersa laban sa ibang mga kriminal sa Metro Manila. Inatasan nito ang pagpapatrulya ng police beat patrol, mobile and foot patrol at tactical motorcycle riders, at aplikasyon ng search warrants at warrant of arrests.