MANILA, Philippines - Aabot sa P74.8 milyong pondo ang inilabas ngayon ng pamahalaang lungsod ng Makati na inumpisahang ipamahagi bilang “mid-year cash gift†sa kanilang mga residenteng senior citizens.
Ayon kay Makati Mayor Junjun Binay, nasa 58,379 senior citizen na nakarehistro sa ilalim ng kanilang BLU Card program ang mabiÂbiyayaan ng regalong salapi.
Itinalaga ang Cash Division ng Makati City Hall upang unti-unting ipamahagi ang naturang pondo sa nakaiskedyul na araw. Ipamamahagi ang perang regalo sa opisina ng Cash Division na nasa ikatlong palapag ng City Hall, sa mga barangay halls at mga covered courts.
Una nang ipinamaÂhagi ang cash gifts ng mga senior citizen na nakatira sa BaÂrangays Northside, Comembo, Carmona, Singkamas, Kasilawan at Pinagkaisahan nitong Hunyo 5 na aabot sa P1,000-P2,000. Maaari namang makipag-ugnayan ang ibang benepisaryo sa kanilang Chapter Chairman o sa Senior Citizen ng Makati Social Welfare Department para sa iskedyul ng pagtanggap ng cash gift.
Noong nakaraang taon, inaprubahan ng Makati City Council ang ordinansa na nagtataas sa cash gift ng mga senior citizens.
Sa mga may edad 70-79 anyos, tatangap ang mga ito ng P3,000 buhat sa daÂting P2,000; sa mga may edad higit sa 80-anyos, tatangap ng P4,000 buhat sa dating P3,000 habang ang mga nasa 60-69 anyos ay patuloy na makakatanggap ng P2,000.
Ang cash gift ay ibiniÂbigay sa dalawang installments, tuwing Hunyo at Disyembre ng bawat taon.