^

Metro

Para walang whitewash MCJ Warden nag-leave

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pansamantalang  bibitiwan ni Manila City  Jailwarden Supt. Lyndon Torres  ang kanyang  posisyon upang bigyan daan ang imbestigasyon hinggil sa naganap na noise barrage at ilang isyu ng pagpapasok ng  droga sa  nasabing piitan­.

Kasabay nito, itinalagang OIC ng MCJ si  Noel Baby Montalvo bilang pansamantalang kapalit ni Torres.

Sa ginanap na  press conference,  sinabi ni  Torres na ang kanyang ginawang ‘leave of absence’ ay pagbibigay-laya sa mga imbestigador mula sa Bureau of Jail Management and Penology National Capital Region (BJMP-NCR) na  siyasating mabuti ang pagkakasangkot ng ilang mga inmates at opisyal na posibleng res­ponsable sa pagpupuslit ng  droga.

Paliwanag ni Torres, bukas siya sa  anumang uri ng imbestigasyon, subalit kailangan din na laliman ang  pagsisiyasat sa mga preso na nagpapasimuno ng  gulo.

Aniya, walang katotohanan ang mga ini­rereklamo ng mga  preso at maging ng mga dalaw hinggil sa panggigipit sa kanila.

Nangangamba naman ang  ilang tauhan ng  MCJ na maging pre­cedent ang insi­dente kung saan mas nasusunod pa ang mga preso sa pagpapalit ng warden­.

Bukod dito, ma­ging ang mga mayores ng seldang Cuerna ay nanghihinayang sa gi­nawang desisyon ni Torres lalo pa’t marami itong proyekto sa MCJ.

Umapela din  ito sa mga mayores na suportahan si Montalvo ka­tulad ng suportang ibi­nigay  nila sa kanya.

ANIYA

JAILWARDEN SUPT

LYNDON TORRES

MANILA CITY

NOEL BABY MONTALVO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with