Lalaki binoga sa mata, patay

MANILA, Philippines - Binoga sa kanang mata na naging sanhi ng kanyang kamatayan ang isang lalaki  ng kanyang nakasuntukan, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead on the spot ang biktimang si Rosanno Encarquez, 33, ng Pasco St., Tonsuya ng lungsod.

Nakakulong naman ang suspect na  si Reggie Lopera­, 17,  ng Damata, ng naturang lungsod habang pinaghahanap naman ng pulisya  ang tatlong hindi pa kilalang mga kasama nito.

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-7:00 ng gabi habang kasama ng biktima ang isang kaibigan at kasakay sa jeep  ang mga suspect. Pagsapit umano  sa Lubiran St., ay pumara ang nasawi pero sinundan ito ng mga suspect  na na­ging dahilan upang sabihan ng nasawi ang kaibigan na tumakbo na.

Paglingon ng kaibigan ng biktima ay nakitang nakikipagsuntukan na sa mga suspect si Encarquez.

Kasunod nito ang pag­bunot  ng baril ng suspect  at pinutukan ang biktima bago tumakas sakay ng jeep.

Agad namang naka­res­ponde ang pulisya at nadakip ang isa sa mga suspect  kung saan nakumpiska rito ang isang kalibre .45 na ginamit­ sa pagbaril sa biktima.

Show comments