MANILA, Philippines - Nagdulot ng tensiyon sa mga pasyente ng Ospital ng Tondo (OSTON) ang sunog na nagsimula sa roofÂtop ng gusali, sa J. Abad Santos, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dahil dito, agad na inilipat ang mga nakaratay na pasyente sa ika-3 at ika-4 na palapag ng OSTON sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), Mary Johnston Hospital; at Mary Chiles Hospital, ng mga hospital staff kaya wala namang nasaktan.
Nabatid na nagsimula ang sunog bandang alas-7:50 ng gabi, sa laundry room na nasa rooftop, at naideklarang fire out dakong alas-8:23 ng gabi, na umabot lamang sa ikalawang alarma.
Dahil dito, pansamantalang hindi muna tatanggap ng mga bagong pasyente ang OSTON, hanggang ngayong araw (Linggo) at balik sa normal na opeÂrasyon sa Lunes. Sinabi ni OSTON director Dr. Isaias Cando Jr., na nililinis pa nila at inaayos ang mga naÂapektuhang bahagi kaya para sa emergency cases lamang ang kanilang matutugunan.
Nagtataka umano sila dahil nang maganap ang sunog ay walang tao sa laundry room, na siyang iniimbestigahan ng Arson investigator ng Manila Fire District.