P5-M imported na asukal nasabat

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P5 milyon ang halaga ng imported na asukal ang nasabat ng  mga tauhan ng Bureau of Custom (BOC) . Ayon sa ulat, lulan ng  tatlong container ang imported  sugar na mula sa Thailand at Malaysia gamit ang  Singapore port.

Idineklara umanong piston, gas combustion, VLinear cylinder at aircon machine parts  ang  mga kargamento na naka-consign sa Clas­sical Star upang makaiwas sa pagbabayad ng sugar import permit mula sa Sugar Regu­latory Authority (SRA).

Mahaharap  sa kasong paglabag sa Section 1503 na  kaugnay sa Section 2530  ng  Tariffs and Custom Code of the Philippines ang hindi pa pinapangalanang consignee ng kontrabando.

Show comments