MANILA, Philippines - Isinailalim na sa full alert status simula sa araw na ito ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang puwersa ng pulisya sa buong Metro Manila kaugnay ng pagbabalik eskuwela ng milÂyong estudyante.
Sinabi ni NCRPO Chief P/Director Leonardo Espina na umpisa alas-8 ng umaga ay nasa full alert status na ang kanilang puwersa upang mabigyang proteksyon ang mga mag-aaral na daragsa sa Metro Manila.
Ayon kay Espina ang hakbang ay bahagi ng ‘Oplan Balik Eskuwela’ na nauna ng ikinasa ng NCRPO sa pagbabalik eskuwela sa Lunes (Hunyo 3).
Samantalang magdedeploy rin ang NCRPO ng aabot sa 10,000 pulis sa mga university belt, terminal ng bus, paliparan at daungan gayundin sa iba pang mga matataong lugar.
Kasabay nito, nagbigay ng direktiba si Espina sa limang District Director nito sa NCR na tiyakin ang seguridad sa lahat ng mga public transport terminals kabilang rin ang MRT at LRT stations.
Umpisa rin sa Lunes ay magsasagawa ng pag-iinspeksyon si Espina sa ilang mga paaralan sa Metro Manila upang personal na tignan ang ipinatutupad na seguridad ng kapulisan na kanilang inilatag para sa pagbubukas ng school year 2013-2014.
Kaugnay nito, inihayag naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo na ipinag-utos na rin ni PNP Chief Director General Alan Purisima ang agresibong operasyon kontra sa mga elementong kriminal upang masupil ang pambibiktima ng mga ito sa mga estudyante.
Binigyang diin ni Purisima na kailangang ipagpatuloy ang kanilang momentum sa pagsugpo sa krimen at pag-aresto laban sa mga kriminal hindi lamang sa Metro Manila na sentro ng kanilang operasyon kundi maging sa lahat ng panig ng bansa.
“Yung police visibility malapit sa eskuwelahan , yan ang talagang nais palakasin ng ating PNP Chief na makita at maramdaman ang preÂsensya ng ating mga pulis,†ani Cerbo.
Samantalang maglalagay rin ng mga Police Assistance Desks ang PNP sa bisinidad ng mga paaralan upang maÂngalaga sa seguridad ng mga eskuwelahan.