MANILA, Philippines - Nasagip ng mga tauhan ng Mandaluyong City Police ang anim na babae na nagsisilbi bilang “massage therapists†sa isang kumpanya na nag-aalok ng “home service massage service†sa pamamagitan ng internet ngunit sangkot rin pala sa prostitusyon, kahapon ng madaling-araw sa naturang lungsod.
Nadakip naman sa opeÂrasyon si Marlyn Azul, alyas Lyn, 40, may-ari ng Irasshai Dial Spa Home and Hotel Service Massage, nang salakayin ang bahay nito sa Block 33 South Africa, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal. Humiling naman ang mga babaeng nailigtas na maitago ang kanilang pagkakakilanlan makaraang kusang sumama sa pulisya.
Ayon kay Police Chief Insp. Alfredo Arturo, hepe ng SOG at Criminal Investigation Unit, nadiskubre ang iligal na aktibidad ni Azul nang matiyempuhan ng kanyang tauhan na si PO1 Erwin Enriquez ang patalastas sa isang “advertisement website†ng Irasshai Dial Home Spa na nag-aalok ng serbisyo sa masahe.
Nagka-interes si Enriquez at tinawagan ang nakalagay na numero ng telepono na sinagot ni Azul. Dito nagkaÂsundo ang dalawa na mag-check-in ang pulis sa isang “motel†malapit sa kanto ng EDSA at Shaw Blvd. kung saan dumating rin ang babaeng “massage therapist†na itinago sa pangalang “Mayâ€. Nagkasundo ang daÂlawa sa bayad na P600 kada dalawang oras.
Ngunit habang minamasahe, nag-alok umano si May ng “extra service†sa halagang P1,000 kapalit ng pakikipagtalik. Dito na nagpakilalang pulis si Enriquez at kinausap ang babae na pumayag na umalis sa kanyang trabaho at makipagtulungan sa pulisya.
Agad itong sumama sa presinto at siyang nagturo sa kinaroroonan ng lima pa niyang kasamahan na nakatambay sa isang fastfood chain at naghihintay lamang ng tawag buhat sa among si Azul.
Sa kabila nito, naniniwala ang pulisya na matibay na ebidensya ang testimonya ng mga nasagip na biktima upang sampahan si Azul ng kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.