2 PSG tiklo sa holdap

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga ele­ mento ng Quezon City Police District-Station 5 ang dalawa sa limang umano’y miyembro ng Presidential Se­curity Group (PSG) na nangholdap sa isang car shop sa kahabaan ng Min­danao Avenue extension Brgy. Lagro Quezon City kahapon ng ala- 1 ng mada­ling araw.

Ayon kay QCPD -Station 5 Commander Supt. Elizar Mata iginapos pa ng mga suspek na kinilalang sina Cpl. Bobby Cepe Ates at Sgt. Marvin Gamba Gaton ang guwardiya ng Streamline Auto Salon at kinur­yente ang may-ari nito na si Ri­chard Tubig nang hindi mapagbuksan ang vault na naglalaman ng pera.

Sa paunang imbestigas­yon nagresponde ang mga awtoridad matapos na itawag ng manager ng Rios Resto bar, katabing esta­ blisimento ng car shop  ang umanoy kahina-hinalang kilos ng mga kalalakihang sakay ng nakaparadang kulay gray na Mitsubishi Montero (MYK 456) sa tapat ng car shop.

Nang magresponde ang mga pulis, nagawa namang makatakas ng tatlo pang sus­ pek na sinasabing ta­ngay ang isang laptop at iphone sa car shop. Na­dakip naman ang dalawa sa mga ito.

Narekober ng mga pulis mula sa sasakyan ng mga suspek ang mga high po­wered firearm na kinabibilangan ng isang M-16 arma­lite rifle, Colt 45 caliber, 9mm US compact at mga bala.

Samantala, tiniyak ng Malacañang na makikipagtulungan ang PSG sa Quezon City police kaugnay sa naturang kaso.

“The PSG is fully coo­perating with the QCPD regarding the investigation. If after investigation the evidence warrants char­ges, then the two will have to face them. The PSG does not condone wrong doing,” ayon kay Deputy Presidential Spokes­per­ son Abi­gail Valte.

Nilinaw din ni Valte na ang nahuling 2 PSG ay hindi close-in security ng Pangu­long Aquino kundi parte lamang ng manpower force ng PSG.

 

Show comments