Preso sa QC jail lumolobo
MANILA, Philippines - Itinuturing na pinakamasikip na piitan sa kalakhang Maynila ang Quezon City jail bunga ng lumolobong bilang ng preso na kasalukuyang nagsisiksikan dito, ayon kay Jail Warden Supt. Joseph Vela.
Ayon kay Vela, ang sukat ng lote ng QC jail ay umaabot sa 3,000 metro kuwadrado na kasya lamang sa may 800 preso, subalit sa kasalukuyan umaabot na sa 2,822 ang bilanggo kung kaya hindi na kayang balikatin ito ng nasabing piitan.
Sabi ni Vela, sa isang selda pa lamang ay nagsisiksikan na ang halos 200 preso na may kapasidad lamang ng 50. Maging ang labas ng mga selda tulad ng sa balkonahe ay mayroon na ring nakahimpil na preso kaya halos nagsiÂsiksikan na ang mga ito.
Gayunman, paliwanag ni Vela, may mga paraan naman silang isinasagawa upang maÂiwasan ang posibleng sakit gaya na lamang ng madalas na paglilinis at pagpapakunsulta ng mga preso sa itinayo nilang mini-clinic sa loob.
Umaasa ang opisyal na magiging maaliwalas ang kanilang piitan kung matutuloy ang plano ng lokal na pamahalaan ng lungsod na bumili ng isa at kalahating ektarya ng lupain sa bahagi ng Payatas na pagtatayuan ng bago at mas maluwag na Quezon City jail.
- Latest