Wanted sa karnap, timbog

MANILA, Philippines - Isang lalaking wanted sa carnapping ang nadakip ng pulisya matapos makumpiskahan ito ng shabu at ang kasama nito ay nakunan naman ng baril nang salakayin ng mga pulis ang kanilang safehouse sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Nakilala ang mga nadakip na sina Ramon Dacanay, 37,  ng Parada ng  naturang lungsod at Arnold Salguero, 43, ng Baesa Quezon City. Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-4:00  ng hapon, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagtatago si Dacanay sa Ignacio Compound, Santa  Quiteria ng naturang  lungsod, na naging dahilan upang  magsagawa ng pagsalakay dito sa bisa ng warrant of arrest, na inisyu ng Valenzuela City RTC,  Branch 75. Nakuhanan ng plastic  sachet ng shabu si Dacanay habang kalibre .38 naman ang nakuha kay si Salguero at nang walang maipakitang papeles ay isinama ito sa presinto.

Show comments