^

Metro

Depektibong electrical products, nasamsam

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Milyun-milyong halaga ng iba’t ibang electrical products ang nasamsam ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa ginawang pagsalakay sa iba’t ibang gusali at bodega sa Binondo, Maynila.

Gayunman bigo ang pu­lisya na maaresto ang mga may-ari ng mga sinalakay na bodega na nakatakda rin namang sampahan ng kaukulang mga kaso.

Sa ulat ng NCRPO,  ang raid ay isinagawa makaraang isang residente sa lungsod ng Malabon ang nagreklamo sa nabili niyang mga panindang depektibong mga electrical products sa isang kilalang supplier sa Binondo, Maynila.  Dito nagsagawa ng test buy ang pulisya at natuklasan na “expired at recycled” ang mga nabiling produkto.

Isinagawa ang raid sa bisa ng search warrant si Judge Zaldy Docena ng Malabon Regional Trial Court Branch 170.

Sinalakay ng mga pulis ang Unit 101-G7 Sons Building sa #646 Pereira St., Muelle de Binondo, tatlong bodega na pag-aari ng isang Jonathan Hou at 12 pang ibang Tsinoy sa ikatlong palapag ng Birch Tree Plaza sa #8250 Muelle­ de Industria; Unit 108 Li Seng Giap at Unit 606 sa #517 Camba­ St., lahat sa Binondo.

Dito nasamsam at nakumpiska ang bulto-bultong mga electrical products na pinaniniwalaang mga depektibo at mga peke habang wala naman umano ang mga may-ari ng naturang mga establisimento  at ng mga bodega nang isagawa ang pagsalakay.

vuukle comment

BINONDO

BIRCH TREE PLAZA

DITO

JONATHAN HOU

JUDGE ZALDY DOCENA

LI SENG GIAP

MALABON REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with