^

Metro

Pari sinapak ng senglot

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idinulog na sa  him­pilan ng Manila Police District ang reklamo ng 46-anyos na pari na sinasabing sinapak ng senglot na lalaki sa kalagitnaan ng halalan noong Lunes ng Mayo 13.

Sa ulat ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) kakasuhan ng serious neglect of duty sa National Police Commission  at sa pre-charge evaluation section ng MPD ang isa sa mga pulis na si PO3 Arnel Aranas Joson, na­katalaga sa MPD-station 4 habang ang iba pang pulis na nakatalaga Lopez Jaena Ele­mentary School noong eleksyon na nabigong umaksiyon sa reklamo ng pari.

Sa salaysay ni Rev. Joebert Fernandez, pa­rish priest ng Most Holy Trinity Parish Church  sa Calabash Road, Balic-balic, Sampaloc, bandang alas-7:45 ng gabi noong Mayo 13 ay sakay siya ng FX kasama ang kaniyang sakristan na si Mark Anthony Echanez at iba pang volunteers para magdeliber ng pagkain sa iba pang PPCRV volunteer.

Hinarang ng suspek na si Joel Bañez ang likuran ng sasakyan ng pari kaya hindi ito makaatras kung saan nagsisigaw at nagmumura ang senglot na sus­pek.

Nang bumaba ang pari para magpakilala ay sinuntok ng lasing na suspek kaya humingi ng saklolo ang saksristan sa mga nakatalagang pulis subalit hindi umano pinansin.

Sa halip, ang sak­ristan ang umawat sa suspek at nang lumapit ang mga pulis ay mabilis na itinurn-over dahil sa panununtok sa  pari.

Subalit sa hindi ma­ipaliwanag na dahilan ay nakawala ang suspek kung saan nain­sulto pa ang pari nang sabihan ni PO3 Joson na hindi nila nadakma ang suspek.

ARNEL ARANAS JOSON

CALABASH ROAD

JOEBERT FERNANDEZ

JOEL BA

LOPEZ JAENA ELE

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MARK ANTHONY ECHANEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with