Van vs bike: Ama dedo, anak sugatan

MANILA, Philippines - Kamatayan ang su­malubong sa 65-anyos na tatay habang sugatan naman ang anak na la­laki nito makaraang masagi ng van ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng Edsa sa Cubao, Quezon City kahapon.

Kinilala ang namatay na si Samuel Meriel Sr. habang sugatan naman ang anak nitong si Samuel Meriel Jr., 28, kapwa nakatira sa Lo­wer Bicutan, Taguig City na naisugod sa East Avenue Medical Center.

Nakapiit naman sa himpilan ng pulisya ang driver ng van na si Roberto Jabay II, 38, may-asawa, ng #24 Rizal Street, Brgy. Poblacion sa bayan ng Magdalena, Laguna.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Erlito Regegin, naganap ang insidente sa harapan ng Farmer’s Plaza kung saan su­malpok sa konkretong poste ng MRT ang motorsiklo ng mag-ama matapos masagi ng van (RLR-282)

Itinanggi naman ng driver ng van na nasagi niya ang motorsiklo dahil namataan na lamang niya ang mag-ama na nakabulagta sa kalye.

Show comments