MANILA, Philippines - Umabot ng 39 oras bago naideklarang under control ang sunog na naganap sa New Divisoria Mall na tinatayang tumupok sa P250 milyong halaga ng ari-arian at mga paninda sa Binondo, Maynila.
Gayunman nakaantabay pa rin ang mga bumbero dahil hindi pa tumitigil ang paglabas ng usok mula sa mall hanggang kahapon sa ikalawang palapag ng gusali.
Nabatid na una ng iniÂhayag ni Fire Sr. Supt. AnderÂson Comar, Regional Director for Operations ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), dakong alas- 3:37 ng hapon, kamakalawa nang ideklaÂrang fire under control na pero aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong araw bago tuluyang maideklarang fire out ang sunog.
Matatandaang sumiklab ang sunog noong Huwebes ng alas-12 ng hatinggabi maÂtapos umanong suÂmabog ang isang freezer sa basement ng gusali.