^

Metro

Binatilyo dedo sa saksak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak ang isang 16 anyos na binatilyo ng isang hindi nakikilalang lalaki na hinahabol nila ng kanyang kabarkada para koto­ngan sa lungsod Quezon, kahapon ng mada­ling-araw.

Si Mark Stephen Torres, vendor ay nagawa pang maisugod sa ospital ng kanyang mga ka­ibigan pero binawian din  ng buhay.

Ayon kay SPO1 Eric Lazo, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Ave., malapit sa panulukan ng Litex Road, Barangay Commonwealth, ganap na alas-3 ng madaling-araw.

Sabi ni Lucila Daniles, saksi sa insidente, bago ang pananaksak, nakita umano niya ang biktima kasama ang isang alyas Athan at isa pang lalaki na tila nasa impluwensya ng alak at nangongotong sa mga dumaraang tao sa lugar.

Kasunod nito, nakita niya ang grupo na may hinahabol na isang hindi nakikilalang tao patu­ngo sa Commonwealth Avenue, at ilang minuto ay bigla na lang bumuwal ang biktima sa kalye at duguan.

Agad namang isinugod ni Athan ang biktima sa East Avenue Medical Center pero makalipas ang alas-5:32 ng umaga ay idineklara rin itong patay.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng saksak sa kanang tagiliran na siyang ikinamatay nito.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ATHAN

BARANGAY COMMONWEALTH

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ERIC LAZO

LITEX ROAD

LUCILA DANILES

SI MARK STEPHEN TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with