MANILA, Philippines - Planong ipanukala ng Metropolitan MaÂnila Development AuthoÂrity (MMDA) sa Commission on Elections (Comelec) na magpaÂlabas ng polisiya na “no-clean up, no proclamation†para sa mga kandidato na tatakbo sa mga susunod na halalan.
Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, na muli siyang dudulog kay Chairman Sixto Brillantes maÂÂkaraang muling tuÂÂmambad ang tone-toneladang basura na iniwan ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta sa mga paaralan at mga presinto.
Kailangan umano na magkaroon ng pagÂkukusa ang lahat ng kandidato sa pagwalis sa kanilang mga baÂÂsura tulad sample ballots na ipinamimigay sa mga bukana ng mga paaralan, mga ikinabit na mga tarpaulin lalo na ang mga idinikit na mga posters na pinakamahirap tanggalin.
Bukod dito, ipinanukala rin ni Tolentino na hingian ng ComeÂlec ng “cash bond†ang mga kandidato na hindi ibaÂbalik kapag hindi nilinis ng mga ito ang mga basura at campaign materials nila makaraan ang halalan.
Isinagawa ni Tolen tino ang mga rekomenÂdasyon kahit na ibinasura ng Korte Suprema ang inirekomenda nila sa Comelec na ekstensyon ng “liquor banâ€.
Kahapon, inumpiÂsahan na ng mga tauhan ng MMDA ang paglilinis sa mga preÂsinto, pader at mga kalsada.Binabasa muna ng tubig ang mga posters na nakadikit sa mga pader bago baklasin ang mga ito. Plano ng MMDA na i-recycle ang ibang mga campaign materials na mapapakinabangan pa upang hindi makadagdag sa basura ng Kamaynilaan.
Sinabi rin ni Tolentino na sinadya nilang piliin muna na unahing linisin ang mga lugar o lungsod na nagkaroon na ng proklamasyon ng mga nanalo upang hindi mapulaan ng pamomolitika.
Bukod sa mga tumakbong politiko, naÂnaÂÂwagan ang MMDA sa mga opisyal ng barangay at sa publiko na magtulungan sa paglilinis sa mga paaralan lalo na at nalalapit na ang pasukan sa daraÂting na Hunyo.