2 kidnaper huli sa checkpoint

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga kagawad ng Manila Police District-Station 3 ang da­lawang pinaniniwalaang kidnaper kung saan nasamsam sa mga ito ang  isang shotgun, isang patalim, mga bala, mga itim na bonnet at packaging­ tape sa bahagi ng Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay P/Supt. Ri­cardo Layug, hepe ng MPD-Station 3, nagsasagawa ng checkpoint sa pa­nulukan ng Raon at Quezon Blvd., sa Sta. Cruz, ala-1:30 ng mada­ling-araw ang kanyang mga tauhan nang parahin ang sasak­yan ng mga suspect na kinilalang sina Noel Nilooban at Edison Decena, kap­wa residente ng Ma­uban, Quezon  dahil sa kahina-hinalang plaka ng PNPA sa harapan habang sa likuran ay TQT- 248.

Nang rekisahin ay na­diskubre ang mga dala nitong gamit. Ina­min din ng mga ito na kanilang dudukutin ang anak ng isang negos­yanteng Chinese­  sa Quezon City.

Ani Layug, ipinag­harap na nila ng kasong illegal possession of fireams and ammunition at paglabag sa Omnibus Election Code.

Nakikipag-coordinate pa umano sila sa PNPAKG­­ para ma­tukoy kung may records ng pag­kidnap at iba pang krimen ang mga suspect na nakapiit sa nasa­bing pre­sinto, ayon kay Layug­.

Show comments