Sekyu nakasagi, ginilitan

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kon­disyon  ang isang security guard nang laslasin ang leeg ng isa sa dalawang kalalakihan na hindi sinasadyang nasagi nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ginagamot  sa Manila Central University (MCU) Hospital  ang biktimang  si Carlito Cruz, 56,  ng C-4 Road ng naturang  lungsod.

Nakakulong naman  at kapwa nahaharap sa kasong frustrated homicide, illegal possession of deadly weapon at paglabag sa Omnibus Election Code  ang mga suspect na sina Jessie Moreno, 23 at Richard Lizabio, 23 kapwa ng Letre Road, Brgy. Tonsuya, Malabon City.

Batay sa  ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insi­dente  dakong alas-11:30 ng gabi, habang naglalakad sa tapat ng gasolinahan ang biktima sa kahabaan ng C-4 Road ng naturang lungsod nang masalubong at hindi sinasadyang masagi nito  ang mga suspect.

Nagalit ang mga suspect na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa magbunot ng patalim ang isa sa mga suspect  at nilalas ang lalamunan ng  biktima.

Nakita ng mga nagrorondang  mga tanod ang pangyayari,  na naging dahilan upang arestuhin ang mga suspect  at isinugod naman sa nabanggit na ospital   ang biktima.

Show comments