MANILA, Philippines - Tatlong menor-de-edad ang nailigtas ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kamay ng Australyano na sinaÂsabing inaabuso nito sa Cebu City.
Kinilala ni NBI Director Nonnatus Caesar Rojas ang suspect na si Keith Robert Hutton, 65, pansamantalang nanunuluyan sa Ace Pension Hotel, Pajo, Lapu-Lapu City, Mactan Island, Cebu.
Sa report ng NBI Foreign Liaison Division (FLD), Central Visayas Regional Office (CEVRO) at Cybercrime Division (CCD), humingi ng tulong ang Australian Federal Police sa pamaÂmagitan ng Australian Embassy na magsagawa ng surveillance laban sa child sex offender na si Hutton.
Sa isinagawang surveillance, natunton si Hutton sa nasabing pension house at napuna na madalas umanong may mga kabataang babae ang umaakyat sa kuwarto nito.
Nasamsam sa suspect ang dalawang laptop na may larawan ng mga hubad na babae, 2 digital camera na may mga larawan din ng mga babaeng nakahubad at nakikipagtalik.
Pinaniniwalaang ginagamit ng suspect ang mga kabataan sa cybersex business nito.
Kasong paglabag sa RA 7610 (Child Abuse Law), RA 9208 (Anti-Human Trafficking Law) at RA 9775 (Anti-Child Pornography Law) ang isinampang kaso laban sa suspect sa City ProÂsecutor sa Lapu-Lapu City habang nakapiit sa himpilan ng pulisya kung saan walang piyansa ang inirekomenda ng piskalya.