MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng 35-anyos na lalaki matapos dakmain ng pulisya sa kasong panghoholdap sa isang bank teller sa Quezon City kahapon ng umaga.
Pormal na kinasuhan ang suspect na si Ernesto dela Peña, 35, habang dinismis naman ni Assistant City ProÂsecutor Maria Raissa Geronimo ang kasong paglabag sa election gun ban laban sa suspect dahil sa kawalan ng sapat na ibidensya.
Sa ulat ni PO2 Romeo Niño II, papasok na sa banko ang biktimang si Aileen Manongsong hawak ang cell phone at handbag nang lapitan at tutukan ng patalim ng suspect pagsapit sa panulukan ng EDSA at Kamuning Road.
Dito na nagdeklara ng holdap ang suspect laban sa biktima kung saan bago tumakas ay tinangay ang cell phone ng dalaga.
Nakahingi naman ng saklolo si Manongsong sa dalawang nagpaÂpatrulyang sina SPO1 Kristo Romualdo at PO2 Dandy Pascacio kaya nasakote ang suspect sa harap ng JAC Liner Bus terminal.