‘Tulak’ tinodas

MANILA, Philippines - Nilikida ang isang kilalang ‘tulak’ ng droga makaraang pagbabarilin ng isang hindi kilalang salarin, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Apat na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Romeo Jal­buena, 51, nakatira sa Anne St., Brgy. 178 Zone 19, Maricaban,  ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-9:15 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa isang eskinita sa Concord Pasillo St., Don Carlos Village, sa nabanggit na lungsod.

Nabatid naman sa rekord ng Pasay Police na pabalik-balik na sa kulungan ang biktima dahil sa pagtutulak ng iligal na droga. Posible umano na nagkaroon ng onsehan sa benta ng iligal na droga at maaaring ipinalikida ng sindikato ang biktima dahil sa mga atraso nito.

Show comments