Kelot patay sa heat stroke

MANILA, Philippines - Hinihinalang “heat stroke” ang ikinamatay ng isang lalaki na taga-Tondo­, Maynila makaraang bigla na lamang bumulagta habang nagla­lakad sa may Mandaluyong City kahapon ng umaga.

Nakilala sa pama­magitan ng nakuhang lisensya sa pitaka nito ang biktima na si Jose Arnaldo Grijaldo, 42, ng Area D Parola, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong alas-7 ng umaga nang biglang bumagsak si Grijaldo habang nag­la­lakad sa bangketa sa  north-bound lane ng EDSA-Reliance. Wala naman itong anumang sugat o pinsala sa katawan nang matagpuan ng mga barangay tanod.

Mabilis namang ni­respondehan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Rescue Unit ang biktima at isinugod pa sa Dr. Victor Potenciano Hospital ngunit idinekla­rang patay.

Show comments