MANILA, Philippines - Isang ama ang pinakulong ng kanyang sariling anak matapos na hindi na makaÂyanan ng huli ang pagmamaltrato at panggugulpi sa kanya at sa kanyang mga kapatid ng una sa Navotas City kahapon ng madaling- araw.
Nakakulong ang suspect na si Arturo Villanueva, 42, taga Tondo, Manila matapos itong ipagharap ng reklamo sa Women and Children Protection Desk, Navotas City Police.
Inireklamo ito ng kanyang 17-anyos na anak na itinago sa pangalang Rico.
Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang maganap ang huling panggugulpi ng suspect sa biktima sa kanilang bahay sa Navotas City.
Sa naging reklamo ng binatilyo, hindi aniya ito ang unang pagkakataon na siÂnaktan siya ng kanyang ama at pati na ang kanÂyang mga kapatid ay ginugulpi din ng suspect.
Sa pahayag ni Rico, tuwing dumadalaw sa kanilang bahay sa Navotas City ang kanyang tatay ay madalas itong lasing at sa hindi malamang dahilan ay palagi silang ginugulpi nito.
Nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong serious physical injuries at pagÂlabag sa RA 7610 o Child Abuse Act.