MANILA, Philippines - Isang bumbero ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng kanilang tahanan sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang nasawi na si Alfonso Eugenio Jr., 27, binata, miyembro ng Pasig Fire volunteer na residente ng Dr. Sixto Antonio Avenue, Brgy. Rosario sa lungsod.
Ayon kay SPO1 Romeo Taguilan, ng Station Investigation Detection ManageÂment Branch (SIDMB) bago ang pagpapakamatay ng biktima ay dumating ito ng kaÂnilang bahay dakong alas-3:00 ng madaling-araw na lasing.
Dahil lasing ay nagtuluy-tuloy umano ito sa second floor ng kanilang bahay kung saan naroroon ang kanyang silid hanggang sa makarinig na lang ng maÂlakas na alingawÂngaw ng putok ng baril ang ina nito na si Aling Reme Alfonso.
Agad umanong kinabahan ang ina at mabilis itong umakyat sa itaas ng kanilang bahay at laking gulat nito nang pagbukas ng pintuan ng silid ng anak ay tumambad ang nakabulagtang biktima.
Nabatid na sa bibig nagbaril ang biktima na tumagos sa likod ng kanyang ulo.
Ayon sa pulisya tuÂmanggi ang mga kaanak ng biktima na magbigay pa ng salaysay sa pulisya at maging ang baril na ginamit sa pagpapakamatay ay itinago na.
Patuloy ngayon iniimÂbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente upang malaman kung mayroon foul play sa insidente.