Riot sa Bilibid: 2 todas

MANILA, Philippines - Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang dalawa pa ang sugatan makaraang sumiklab ang panibagong karahasan sa loob ng maxi­mum security compound ng National Bilibid Pri­sons (NBP) sa Muntinlupa City.

Inisyal na nakilala ang mga nasawi na sina Arturo Osperana, ng BRM Dorm 7-C at Ramil Cuasito, ng BSL Dorm 7A2.

Isinugod naman sa ospital sa labas ng NBP ang mga malubhang na­sugatan na sina Felicito Moralla at Pablito Ra­bosa, habang dinala rin sa pagamutan sa loob ng NBP ang ilan pang mga preso sa maximum security compound na sangkot sa riot.

Sa paunang ulat, na­­batid na dakong ala-1:05 ng hapon nang unang­ atakihin ng sak­sak ni Leo Dela Victori, miyembro ng Batang Cebu ang ilang mga preso buhat sa kala­bang gang sa loob ng Calvary Church. Dito sumiklab ang riot nang magkanya-kanyang bugbugan ang mga bilanggo.

Sa kabila ng sunud-sunod nang karahasan sa loob ng NBP, iginiit pa rin ni Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu na isang “iso­lated case” ang nangyari at hindi dapat mangamba ang publiko.  Patuloy nang iniimbestigahan ang insidente.

Matatandaan na isang preso ang napatay nang barilin ng mga jailguards nitong Abril 18 makaraang magwala at manaksak ng dalawa pang guwardiya.

Pinaiimbestigahan naman ng Department of Justice ang naturang panibagong karahasan.

Show comments