MANILA, Philippines - Kasabay ng pagpapaÂigting ng curfew sa lungsod ng Maynila, umaabot naman sa 20 menor-de-edad ang dinampot sa apat na baÂrangay sa Sampaloc, Maynila.
Sa ipinatutupad na curfew,ginalugad ng mga awtoridad ang apat na barangay sa Sampaloc dahil sa pakalat-kalat na mga bata sa lansangan sa kalaliman na ng gabi.
Batay sa Manila City Ordinance No. 8046, mahigpit na pinagbabawalan ang mga menor-de-edad na gumala o tumambay sa kalye mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.
Nagreklamo naman ang ilang magulang ng mga bata dahil nasa tapat lang naman anila ng kanilang bahay tumatambay ang mga anak nang mahuli.
Ipinakita pa sa media ng isang magulang ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) ng puwersahang pagÂÂ hatak sa kanyang anak habang ito ay kanyang hawak-hawak.