^

Metro

Empleyada patay sa heat stroke

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na nagawa pang ma­kapasok sa trabaho ng isang empleyada matapos ma­sawi dahil sa heat stroke sa Mandaluyong City kahapon ng ma­daling-araw. Kinilala ang nasawi na si Beverly Manubay, 29, dalaga, empleyado ng SPI Global Company sa Mandaluyong City at naninirahan sa Volley Golf, Taytay, Rizal.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, nabatid na  na­ diskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-4:00 ng madaling-araw sa loob mismong comfort room ng Unit 8-A Anaheim Tower 3, California Garden Square, Libertad St., Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City, na inuupahan nina Paul Candenas, 30, binata, supervisor at Chris Ner Mariano, na  officemate ni Manubay.

Sa salaysay sa pulisya ni Candenas, nabatid na naki­suyo umano sa kanya ang bik­tima na makikitulog sa ka­ni­lang condo unit. Nauna umanong puma­sok si Candenas at iniwan ang biktima na naliligo pa sa banyo.

Pagsapit ng alas-3:00 ng madaling-araw ay nagulat na lang umano si Candenas nang tanungin siya ni Tyron Wensky Gratil, na siyang supervisor ni Manubay, kung bakit hindi pumasok sa trabaho ang biktima.

Kaagad naman umanong sinabi ni Candenas kay Gratil na imposibleng hindi pumasok ang biktima dahil nang iwan niya ito sa bahay ay naliligo na rin ito at naghahanda sa pagpasok.

Mabilis na binalikan ni Candenas sa bahay si Manubay at dito natuklasan ang katawan nito na nakahandusay sa banyo. Isinugod pa ito ni Candenas sa pagamutan ngunit patay na ito

Ayon sa pulisya, wala naman umanong nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima na palatandaan na sinadya ang pagkamatay nito, kaya’t may hinala ang mga awtoridad na posibleng heat stroke ang dahilan nang pagkasawi nito.

A ANAHEIM TOWER

BEVERLY MANUBAY

CALIFORNIA GARDEN SQUARE

CANDENAS

CHRIS NER MARIANO

GLOBAL COMPANY

MANDALUYONG CITY

MANUBAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with