MANILA, Philippines - Isang 31-anyos na barker ang naÂmatay matapos na barilin nang malaÂpitan sa Quiapo, Maynila kahapon.
Patay na ng idating sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Valentin Pangilinan, ng R. Hidalgo St., Quiapo, habang paÂtuloy ang pangangalap ng testigo para sa pagkakakilanlan sa suspect at sa ikalulutas ng kaso.
Ayon sa pulisya, dakong alas-11:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa panulukan ng Elizondo at R. Hidalgo Sts., sa Quiapo, habang nagtatawag ng pasahero ang biktima.
Bago ito, kamakalawa ng umaga, pumarada ang motorsiklo lulan ang hindi pa nakikilalang lalaki na angkas ang isang babae na sinita naman ni PangiÂlinan dahil sa paradahan umano iyon ng mga pampasaherong jeep na biyaheng Punta Sta. Ana via Quiapo.
“Napahiya siguro yong suspect, kaya sinabihan yong barker (biktima) na babalikan siya,†ayon sa imÂsbestigador.
Kahapon maaring isinakatuparan ng suspect ang banta sa biktima. Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya habang inaalam ang tunay na motibo ng pamamaril.