^

Metro

‘Bomba’ ikinabit sa water tank

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalot ng tensyon ang mga residente ng isang ba­rangay sa Las Piñas City ma­karaang matagpuan ang isang unang hininalang improvised explosive device (IED) na iki­nabit sa tangke ng tubig, kahapon ng umaga.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Las Piñas City Police-Explosive and Ord­nance Division dakong alas-6 ng umaga sa Gate 10 sa Pilar Village, Brgy. Almanza Uno, kung saan nakita ang mis­tulang IED na nakadikit sa tangke ng isang water station na pag-aari ng isang Danilo Niebres.

Agad na kinordonan ng pulisya ang naturang lugar at maingat na sinuri ang hinihinalang bomba ngunit nadiskubreng peke lamang.

Nabatid na ang pekeng pampasabog ay may dalawang tubo na ikinabit sa tatlong stick na yantok na mistulang dinamita at may baterya pa at timer na kahawig ng isang detonator.

Masusing iniimbestigahan ang naturang kaso upang mabatid ang motibo at matukoy kung sinong suspek ang nagdikit ng pekeng bomba.

ALMANZA UNO

BINALOT

BRGY

CITY POLICE-EXPLOSIVE AND ORD

DANILO NIEBRES

LAS PI

MASUSING

PILAR VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with