MANILA, Philippines - Matapos ang ilang taong pagtatago , nahuli na ng PNP-Intelligence Group ang isang Police Community Precint Commander, ang tinaguriang torture cop ng Manila Police District (MPD) na nakunan sa video na kumalat sa internet habang hinihila ang ari ng isang nahuling snatcher sa lungsod ng Maynila noong Agosto 2010. Kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., ang nasakoteng torture cop na si Sr. Inspector Joselito Binayug, dating hepe ng Asuncion Police Community Precint sa Tondo, Maynila.
Si Binayug na nasibak sa puwesto ay nakunan ng video sa pag-torture sa snatcher na tinukoy lamang sa pangalang Darius habang namimilipit sa sakit habang hinihila nito ng alambre na itinali sa ari ng suspek. Ayon kay Cerbo bandang alas-11 ng umaga nang masaÂkote ng operatiba ng PNP-Intelligence Group (PNP-IG) si Binayug habang nagpapa-renew ng lisensya ng behikulo nito sa harapan ng tanggapan ng Land Transportation Office sa Tayuman sa lungsod ng Maynila.
Samantala, matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang korte noong Nobyembre 2011 ay nagsimulang magtago sa batas si Binayug. Sinabi ni Cerbo na nakatangÂgap ng impormasyon ang mga operatiba ng PNP-IG na nagpapa-renew ng lisensya ng kanyang behikulo ang wanted na parak sa lugar kaya agad pumoste ang mga awtoridad. Hindi na nakapalag si Binayug matapos na dakpin ito ng mga opeÂratiba at dinala sa Camp Crame.