Travel exec, utas sa tandem

MANILA, Philippines - Hindi na umabot pang buhay sa Medical Center­ Manila (MCM) ang 29-anyos na ma­nager ng isang travel agency  nang pagbaba­rilin ng riding-in-tandem sa Ermita, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala  ang  biktima na si Fatima Shalabi,   marketing manager ng isang travel agency na  matatagpuan sa Ermita­ Center, sa M.H. Del Pilar­, Ermita at residente ng  Romania St., Better­ Living­, Subd., Pa­rañaque City.

Sa ulat, dakong  alas- 6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Vasquez  St. Ermita.

Sinabi ni Mary Ann Lapa, na kasama niya ang biktima at asawa nitong si Amro Shalabi na papasakay sa kanilang kotse nang lapitan ng dalawang suspect  at  saka pinagbabaril ang biktima.

Nang bumagsak ang biktima ay pinaharurot na ng mga suspect ang sinasakyang motorsiklo.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo sa naganap na krimen at pagkikilanlan sa mga suspect.

Show comments