Travel exec, utas sa tandem
MANILA, Philippines - Hindi na umabot pang buhay sa Medical Center Manila (MCM) ang 29-anyos na maÂnager ng isang travel agency nang pagbabaÂrilin ng riding-in-tandem sa Ermita, Maynila, kamaÂkalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Fatima Shalabi, marketing manager ng isang travel agency na matatagpuan sa Ermita Center, sa M.H. Del PilarÂ, Ermita at residente ng Romania St., Better LivingÂ, Subd., PaÂrañaque City.
Sa ulat, dakong alas- 6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Vasquez St. Ermita.
Sinabi ni Mary Ann Lapa, na kasama niya ang biktima at asawa nitong si Amro Shalabi na papasakay sa kanilang kotse nang lapitan ng dalawang suspect at saka pinagbabaril ang biktima.
Nang bumagsak ang biktima ay pinaharurot na ng mga suspect ang sinasakyang motorsiklo.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo sa naganap na krimen at pagkikilanlan sa mga suspect.
- Latest