MANILA, Philippines - Patay ang isang 34-anyos na miyembro ng Manila Police District-Station 8 nang biglang atakihin sa puso matapos ang mahabang pakikipaghabulan sa isang snatcher sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa.
Kinilala ang nasawing pulis na si PO1 Edgar Valdez, ng Sitio Uno St., Sangandaan, Caloocan City at naka-assign bilang beat patroller sa V. Mapa Police Community Precinct PCP sa Sta. Mesa.
Nabatid na rumesponde sa isang tawag sa nagaganap na snatching incident si Valdez at hinabol nito at naaresto naman ang suspect na si Rosselle Villamar, 48, ng Pinaglabanan St., San Juan. Ngunit ilang sandali lamang umano ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga ang pulis.
Ayon naman kay Dr. Angelir Oropilla, meÂdical specialist III ng National Bureau of Investigation (NBI), acute myocardial infarction ang sanhi ng pagkamatay ni PO1 Valdez o atake sa puso.