MANILA, Philippines - Isang araw matapos na dukutin ng mga armadong lalaki, natagpuan nang malamig na bangkay ang isang binaÂtilyo sa isang bakanteng lote sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Si Jefferson delos Santos, 17, ay nadiskubreng nakahandusay sa isang lote ng Banco Filipino sa Brgy. Lupang Pangako, Payatas B.
Ang biktima na tumuÂtulong sa pangunguha ng gulay para ibenta ay huling nakitang buhay na kasama ang apat na lalaki na duÂmukot sa kanya mula sa kanyang amo habang nakatutok ang baril dito.
Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, may hawak ng kaso, nagtamo ang biktima ng mga butas na posibleng mula sa patalim na icepick sa dibdib at galos sa batok. Bukod pa sa mga pasa sa buong katawan.
Ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ganap na alas- 5:30 ng umaga ng kanyang nanay na si Aling Evelyn na naghanap sa kanya ng gabing mangyari ang pagkawala nito.
Nabatid ni Tejerero na si Delos Santos ay dinakma ng mga armadong lalaki ganap na alas-10 ng gabi ng Miyerkules habang kasama ng kanyang among si Ariel Concepcion.
Si Concepcion ay nagbebenta ng gulay at katulong ang biktima sa pangunguha ng gulay na nakatanim sa bakanteng lote. Sabi ng testigo, kasama niya ang biktima na nakasakay sa owner-type jeep nang harangin sila ng apat na armadong lalaki. Isa sa mga suspect ang inilawan ng flashlight si Concepcion at hindi nila ito nakilala.
Ayon pa kay Tejerero, sabi ng testigo, isa sa mga suspect ang nagtanong pa sa biktima kung siya ay si delos Santos at nang sumagot ang huli ng “Oo†ay saka pilit na inilabas sa sasakyan. Nanlaban pa ang biktima sa mga suspect, pero nagawa rin itong maitulak papalabas.
Isa sa mga suspect na nagpaiwan sandali ang nagbabala kay Concepcion na umalis na lang para maligtas.
Agad na nagpunta si Concepcion sa mga magulang para ipabatid ang pagdukot dahilan para magsimulang hanapin ang biktima na naÂtagpuan din kahapon.
Lumilitaw sa imbestiÂgasyon na wala namang naging kaaway ang biktima sa kanilang lugar, pero tiniÂtignan din kung may rekord ito sa barangay na maÂaaring maÂging lead sa imbesÂtigasyon.