QC cop patay sa riding in tandem
MANILA, Philippines - Patay ang isang tauhan ng Quezon City police makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Central Bicutan, Taguig, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Senior Supt. Arthur Asis ang biktima na si SPO1 Mohammad Sugod, 45, na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan.
Mabilis namang tumakas ang mga suspect lulan ng hindi naplakahang motorsiklo.
Base sa inisyal na imbestigasyon, si Sugod na tubong Saranggau, South Cotabato, ay kararating lamang sa kanyang bahay sa Pisado St. , Purok 3 sa Brgy. Central Bicutan dakong alas-7:25 ng gabi lulan ng kanyang motorsiklo (SJ-1990) nang biglang sumulpot ang magkaangkas na suspect.
Nabatid pa ng pulisya na nakipag-usap pa umano ang pulis sa dalawang suspect bago ito tuluyang piÂnagbabaril.
Hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa nasabing paÂmamaslang sa biktima. Patuloy pa ang isinasagawang imÂbesÂtigasyon sa insidente.
- Latest