MANILA, Philippines - Sumuko sa pulisya ang salarin na umaÂming siyang sumaksak at pumatay sa isang 17-anyos na kapitbahay at malubhang pagkakaÂsugat sa kapatid nito sa Parañaque City noong Linggo ng madaling-araw.
Sumuko kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Rodolfo Llorca ang suspek na si Francisco Versoza, 27, at naninirahan sa Brgy. San Antonio Village, Parañaque.
Inamin nito ang panaÂnaksak sa magkapatid na sina Jonard Asis, 2nd year high school student, at nakababatang kapatid na si Leah Camille, 14. Nasawi sanhi ng 19 na saksak si Jonard habang kritikal pa rin sa pagaÂmutan si Leah Camille.
Ayon kay Versoza, ang ama talaga ng magkapatid ang kanyang target.Â
Nagta nim umano siya ng matinding sama ng loob dahil sa palagiÂang pagmumura sa kanya ng ama ng mga biktima na hindi muna binanggit ang pangalan at tangkang pagsagasa sa kanya minsan ng motorsiklo.
Ikinaila rin niya na tinangka niyang magnakaw sa loob ng bahay ng mga biktima at ang tanging pakay niya ay ang gumanti sa matandang Asis dahil sa ginagawang pag-alipusta sa kanya. Nang hindi makita ang kanyang target, ibiÂnaling niya ang kimkim na galit sa magkapatid na kanyang pinagsasakÂsak.
Hindi naman kaÂagad kinagat ng pulisya ang alibi ni Verzosa lalo na’t nagpahayag na sa pulisya ang sugatang si Leah Camille na nahuli nilang naghahalughog sa loob ng bahay ang suspect.
Ipinasa na ang kustodiya sa suspek sa Parañaque City Police at nahaharap ngayon sa kasong murder at frustrated murder.