Mister iniwan ni misis, nagbigti

MANILA, Philippines - Patay ang isang mister nang magbigti ito matapos iwanan ng kanyang misis kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kaagad na binawian ng buhay si Romeo dela Cruz, 35, ng Franville 2 Subd., Bagong Silang ng naturang  lungsod.

Sa report ng Caloocan City Police, dakong alas-7:00 ng umaga nang ma­kitang nakabigti ng electrical cord ang biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ng kanyang pamangkin na si Danilo.

Nabatid na noong nakaraan linggo ay iniwan ang biktima ng kanyang asawang si Cathy dahil umano sa pananakit, paglalasing at paggamit ng droga ng una.

Huling nakitang buhay ang biktima kamakalawa ng gabi na nakikipag-inuman hanggang sa makita nga itong isang malamig nang bangkay.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagpa­pakamatay nito.

Show comments