^

Metro

Bebot todas sa bala na para sa nobyo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na babae ang nasawi matapos na tamaan ng bala ng baril  ng  riding in tandem na dapat sanay para sa kanyang nobyo habang naglalakad ang mga ito kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Patay na nang idating sa ospital ang biktimang  si Marjorie Carvajal,  ng  Isal San Juan St., Gagalangin,  Tondo  sanhi ng  tinamong tama ng bala sa dibdib.

Arestado naman ang mga  suspect na sina Anjo Pareja, 24, at  Ogie Diaz,(hindi ang TV host) o mas kilala bilang Ogie Negro, miyembro ng Sputnik Gang at residente ng  Dagupan Extension Tondo.

Dakong alas -3 ng madaling araw ng maganap ang  insidente sa panulukan ng  Dagupan at Her­mosa Sts.  sa Tondo habang naglalakad  sina Car­vajal at  kasama ang  nobyong si  Richard Garcia.

Dito napuna ni Garcia na sinusundan sila ng mga suspect na magka-angkas sa motorsiklo.

Nang matapat sa kanila ang magka-angkas ay kinausap ng mga suspect si Garcia na magka­kilala pala. Nabatid na pinakiusapan at pinangakuan  umano ni Garcia  ang  suspect na si Diaz na  ba­bayaran sa inutang na P5,000.

Subalit putok ng baril ang isinagot ng  mga suspect na tumama  kay Carvajal.

vuukle comment

ANJO PAREJA

DAGUPAN EXTENSION TONDO

GARCIA

ISAL SAN JUAN ST.

MARJORIE CARVAJAL

OGIE DIAZ

OGIE NEGRO

RICHARD GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with