MANILA, Philippines - Maaari na ngayong mai-convert ng “cash†ng mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang “memorial plan†hanggang katapusan ng Agosto.
Ito’y makaraang ilunÂsad ang programang GSIS Enhanced Optional Exit Mechanism (EOEM), kung saan mare-refund ng mga planholders ang kanilang ibinayad depende sa uri ng kanilang plan.
Ayon sa GSIS, nilikha ang programa upang protektahan ang mga planholders sa mga posibleng problema sa “memorial servicing†habang magagamit pa nila ang makukuhang pera sa ibang gastusin.
Ang mga may hawak ng Genesis Flexi Plan ay makaka-refund ng 150 porsyento sa orihinal na presyo ng kontrata, 125% sa Genesis Plus Plan, at 100% sa Genesis Plan at Genesis Special Plan.
Sa oras na makapag-refund ang isang planholder, otomatikong mate-terminate ang kanilang memorial plan.
Para sa iba pang klaripikasyon at paÂngangailangan sa terminasyon ng kanilang plano, maaaring tumawag ang mga GSIS members sa Contact Center 847-4747 o mag-log-in sa www.gsis.gov.ph.