MANILA, Philippines - Matapos ang halos anim na araw na pagkaÂkakulong dahil sa panaÂnakit ng isang pulis at pagwawala sa himpilan ng pulisya, nakalaya na ang Amerikanong basketball player na si Jamelle Cornley kamakalawa ng gabi.
Si Cornley na nakulong noong Miyerkules Santo ay pansamantalang nakalaya matapos na makapag-piyansa ng halagang P14,000.
Isinalang sa inquest proceedings si Cornley noong Miyerkules ng gabi dahil sa reklamong alarm and scandal; direct assault; resisting arrest at disobedience to a person in authority.
Inirekomenda ng inquest fiscal ang masuÂsing imbestigasyon sa reklamo ng direct assault, pero nirekomenda naman ang pagsasampa sa korte ng dalawa pang kaso laban sa dayuhan.
Ang 6-foot-5-inch-na si Cornley na dating nagÂlaro bilang import ng team na Rain or Shine sa PhilipÂpine Basketball Association (PBA) ay inaresto ng may 10 pulis noong Miyerkules ng umaga matapos na upakan si PO2 Anselmo Lazatin.
Si Lazatin at isa pang pulis ay rumesponde sa tawag ng panggugulo sa isang hotel ng Kano sa Timog Avenue matapos na umano’y mawala ang pera nitong $1,500.