MANILA, Philippines - Umabot sa 49 paÂsahero ang sugatan makaraang mawalan ng kontrol ang isang pamÂpasaherong bus at sumalpok sa konkretong poste sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, lungsod Quezon, kamakalawa.
Ayon kay Senior InsÂpector Narciso Cajipe Jr., hepe ng Traffic Sector 3 ng Quezon City Police District (QCPD), ang lahat ng sugatang biktima ay sakay ng Everlasting bus (TXE-604).
Sinabi ni Cajipe, kaÂbilang sa sugatan ay ang driver na si Rubencio Caneda, 49, residente ng Brgy. Humayao, Langkaan, Dasmariñas, Cavite.
Dagdag ng opisyal, si Caneda ay agad na tumakas matapos ang insidente na naganap dakong alas-10:30 ng gabi sa may north-bound lane ng Commonwealth Avenue.
Nabatid na tinaÂtahak ng bus ang kahabaan ng Commonwealth Avenue nang biglang mawalan ito ng preno at sumalpok sa konkretong poste ng flyover.
Dahil sa lakas ng pagÂkakasalpok, nawasak ang unahang bahagi ng bus, sanhi upang magtalsikan sa loob ang mga pasahero nito na tinatayang aabot sa 60 kung saan nasugatan ang 49.
Agad na sumibat sa lugar si Caneda, habang ang mga sugatan ay itinakbo naman sa East Avenue Medical Center (EAMC) para magamot.
Nabatid na natakot at iniwan ng driver ang lugar saka nagtungo sa kanilang tanggapan.
Sabi pa ng opisyal, naÂlaman na lang nila ang pangalan ng driver nang dumating ang represenÂtatives ng Everlasting sa kanilang tanggapan para ipakita ang driver’s license ni Caneda.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente kung saan poÂsibleng maharap sa patung-patong na kaso ang nasabing driver.
Samantala, sa Caloocan, 32 katao ang iniÂulat na nasugatan maÂtapos magsalpukan ang isang pampasaherong bus at isang truck na naglaÂlaman ng mga bigas kahapon ng umagaÂ.
Naganap ang insiÂdente dakong alas-6:00 ng umaga sa B. Serrano St., 7th Avenue, ng nabanggit na lungsod habang binabagtas ng naturang mga sasakyan ang nasabing lugar, nang kapwa hindi nakontrol ng mga tsuper nito ang kanilang preno dahilan upang magsalpukan ang mga ito.
Dahil dito naipit ang driver ng truck na si MoÂnico Quinio sa kinauÂupuan nito kaya’t hiÂnintay pang hatakin ng dalawang tow truck ng MMDA ang dalawang nagbanggaang saÂsakyan bago naialis sa pagkakaipit ang naÂturang biktima.
Kasalukuyan naman hawak ng mga pulis ang driver ng pampaÂsaherong bus na si Jerwin Febrero, kung saan paÂtuloy ang imbestigasyon kung sino ang may kasalanan sa nasabing insidente. (Dagdag na ulat ni Lordeth Bonilla)