Kampanya umarangkada, Parola unang sinuyo ni Lim

MANILA, Philippines - Unang sinuyo ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang lugar ng  Parola kung saan malugod itong tinanggap ng mga residente kasama ng kanyang Vice Mayoralty candidate na si Lou Veloso at mga  tumatakbong konsehal sa pag-arangkada ng kampanya para sa local post.

Bago ito, pinangunahan muna ni Lim ang regular flag-raising ceremony sa Manila City Hall, kung saan tiniyak nito na siya pa rin ang  mana­natiling alkalde ng lungsod pagkatapos ng  May elections.

Malalakas na sigawan at palakpakan naman ang iginanti ng  daan-daang  empleyado na dumalo sa flag- raising.

Iniharap din ni Lim ang mga nagsipagtapos ng  alternative learning system (ALS) na patunay lamang na ang lahat ay maaaring makatapos ng pag-aaral.

Pinangunahan din ni Lim ang pagbabasbas sa life-sized statue  ng Jesus Christ sa City Hall at nagtungo sa Parola compound.

 

Show comments