MANILA, Philippines - Tila wala sa bokabularyo ng mga masasamang-loob ang pinitensya sa araw ng Semana Santa, dahil maging ang kumbento ay hindi pinatawad matapos na pasukin ng limang armadong suspect at holdapin kahapon ng hapon sa lungsod Quezon.
Ayon sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District Station 10, partikular na pinasok ng mga suspect ang Missionary Sisters Servants of the Holy Spirit na mataÂtagpuan sa Poinsentia Road, E. Rodriguez Sr., Cubao.
Sinasabing alas-3 ng hapon nang biglang pasukin ng mga suspect ang nasabing kumbento, kung saan dumiretso ang mga ito sa opisina saka tinutukan ng baril ang nakatalagang madre at kinuha ang umano’y pampasuweldo ng 30 emÂpleyado na tinatayang aabot sa P30,000.
Diumano, dahil walang guwardiya at bukas ang gate ng nasabing kumbento paÂtungo sa tanggapan nito ay madaling nakapasok ang mga suspect at naisakaÂtuparan ang nasabing panloÂloob.
Matapos makuha ang pakay ay saka lumabas din mula sa gate ang mga suspect na parang walang nangyari.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat ng awtoÂridad sa naturang insidente.