Misis nagbigti

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding problema hinggil sa kasong kina­kaharap, isang 22-anyos na babae ang nagpakamatay kamakalawa sa Valenzuela City.

Dead-on-the spot si Riza Catalona, matapos itong magbigti ng nylon cord.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 nang maganap ang insidente sa loob ng apart­ment na tinitirahan ng biktima sa Peña Compound, Dulong Tangke St., Brgy. Malinta ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na nang buksan ng menor de edad na anak ng biktima ang pintuan ng kanilang apartment ay doon tumambad  ang nakabigting bangkay ni Catalona, dito ay kaagad na kinalag ng ilang kapitbahay ang nylon cord  na nakatali sa leeg nito.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Lesther Tampos, problemado ang biktima sa kasong kinakaharap nito na nakabinbin sa Caloocan City Metropolitan Trial Court, Branch 50.

Sa teyorya ng pulisya, posibleng ito ang isa sa dahilan nang pagpapatiwakal ni Catalona. Patuloy na iniimbestigahan ang naturang kaso kung ito ay may foul play dito.

Show comments