MANILA, Philippines - Inaresto ng tropa ng Quezon City Police District Office ang dating import ng isang koponan sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos na sapakin nito ang isang pulis na rumesponde sa kanyang pagwawala sa isang hotel sa lungsod kahapon ng umaga.
Si Jamelle Cornley, daÂting import ng Rain or Shine ay nakapiit sa QCPD Station 10 dahil sa pananapak kay PO2 Anselmo Lazatin na itiÂnakbo sa East Avenue MeÂdical Center dahil sa pananakit ng mukha at katawan.
Bukod kay Lazatin, iniÂreklamo din ang dayuhan ng mga empleyado na sina Willie Buenaventura, kawani ng KTV bar, at Jayson MaÂngahay, 34, security guard ng Sir Williams Hotel.
Ayon kay SPO1 Julius Rempillo, desk officer ng PS10, nangyari ang insiÂdente sa may Sir Williams Hotel na matatagpuan sa may Timog Avenue, Brgy. South TriÂangle, ganap na alas-5:45 ng umaga.
Bago ito, nakatanggap ng tawag ang tanggapan ng PS10 mula sa police hotline 117 hinggil sa reklamo ng pamunuan ng hotel kaugnay sa umano’y panggugulo ng dayuhan sa lugar.
Agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar kasama si Lazatin. Pagsapit umano sa lugar ay naabutan ng mga tropa ang dayuhan na nakikipagtalo sa mga naturang empleyado dahilan para mamagitan ang mga awtoÂridad at maayos.
Subalit habang sinusubukang pakalmahin ni Lazatin ang dayuhan, bigla na lamang umanong inupakan nito ang pulis at bumuwal.
Ayon kay Supt. Marcelino Pedroso, hepe ng PS10, sa lakas ng pagkasuntok ng suspect kay Lazatin ay bumuwal ito at nagtamo ng matinding injury sa likod.
“Sa laki ba naman ng import na to, doble ang katawan sa tauhan ko kaya di impoÂsible na magkaroon ng injury, nabali daw ang likod dahil sa pagbagsak,†sabi ni Pedroso.
Maging sa presinto ay hindi tumigil ang dayuhan sa kabibitaw ng maanghang na salita sa mga pulis kaya plano ni Pedroso na sampahan ang una ng kasong maliscious mischief at physical injury.
Nabatid pa sa pulisya, kaya nagwawala ang daÂyuhan sa naturang hotel ay dahil may nawawala umano itong $1,400 na kinuha umano ng isang babae sa KTV na kasama niya na nag-check-in sa nasabing hotel.
Samantala, ang kaso ay nakatakdang iturn over ng PS10 sa Criminal Investigation and Detection Unit sa Camp Karingal na siyang may hurisdiksyon sa mga nagkaÂkakasong mga dayuhan.