MANILA, Philippines - Tulad na rin ng kanyang ipinangako, binigyan na ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ng trabaho ang ama ng UP student na si Kristel Tejada na nagpaÂkamatay matapos na mabigong makapagbayad ng tuition fee.
Kasama ang kanyang maybahay na si Blessilda at tatlo pang anak, lubos ang kagalakan ng pamilya Tejada sa trabaho na ibinigay ng alkalde upang matustusan ang kanilang mga pangaÂngailangan at mapag-aral ang ibang kapatid ni Kristel.
“Nagpapasalamat ako sa inyong lahat bilang ina ni Kristel. Nakikita n’yo man akong naging matatag sa mga nakaraang linggo, dahil na rin sa ipinagkaloob na tulong ni Mayor Lim. Hinding-hindi po namin makakalimutan ang tulong ninyo. Kayo po ang unang-unang lumapit at buong pusong tumulong sa aming pamilya sa gitna ng aming pagdadalamhati. Salamat po,†ani Blessilda habang napapaluha.
Matatandaang si Lim ang sumagot ng lahat ng gastusin sa punerarya at pagpapalibing ni Kristel.
Ang ama ni Kristel na si Christopher ay kasalukuyang nakatalaga sa department of public services sa pamumuno ni Engineer Armand AndresÂ.