^

Metro

Number 7 most wanted sa Parañaque, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip na ng Parañaque City Police ang ika-7 sa ka­nilang talaan ng most wanted makaraang makorner ito sa loob ng isang sementeryo sa naturang lungsod, kama­kalawa ng umaga.

Nakilala ang naarestong suspek na si Ludigario Adoptante, 29, obrero, ng Target 1 Delarama, Brgy. BF, ng naturang lungsod.  Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Parañaque Regional Trial Court Branch 274 dahil sa kasong pagpatay.

Nabatid na nasakote ang suspek sa ginawang pag­salakay ng mga tauhan ng Special Operations Unit ng Parañaque Police dakong alas-10 ng umaga sa Parañaque Public Cemetery sa Tramo, Brgy. San Dionisio.

Ayon sa pulisya, si Adop­tante, kasama ang dalawa pang suspek na nakilala sa mga pangalang Erwin Tabora at Fidel Tabora, Jr. ay  nagtulung-tulong upang paslangin sa pamamagitan ng taga at saksak si PO2 Arnel Napuli noong Setyembre 3, 2011.

Nagpapahinga na umano sa kanyang bahay si Napuli nang hingan ng tulong ng mga barangay tanod dahil sa nagaganap na kaguluhan sa isang basketball court sa kanilang lugar.

Nang mag­responde ang pulis, pinagtulungan siyang pagsasaksakin at tagain ng mga suspect na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Kasalukuyang tinutugis pa ng pulisya ang dalawa pang nakakalayang suspek na nahaharap din sa warrant of arrest sa korte.

 

vuukle comment

ARNEL NAPULI

BRGY

CITY POLICE

ERWIN TABORA

FIDEL TABORA

LUDIGARIO ADOPTANTE

PUBLIC CEMETERY

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SAN DIONISIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with