Wanted na NPA, tiklo

MANILA, Philippines - Bumagsak sa batas ang itinuturong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army na may patong sa ulong P.4 milyon pabuya sa isinagawang operasyon sa Kalinga kamakalawa. Kinilala ni Cordillera PNP regional director P/Chief Supt Benjamin Magalong Jr., ang suspek na si Jovencio Baluga alyas Ka Edgar ng Militia ng Bayan ng Kilusang Larangang Guerilla Baggas ng Ilocos -Cordillera Regional Command. Ayon kay Magalong, si Baluga na nasa ika-5 most wanted sa lalawigan ay naaresto ng pinagsanib na elemento ng pulisya at ng Army’s 21st Infantry Battalion.Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Marcelino Wacas ng Tabuk City Regional Trial Court Branch 25 sa Kalinga kaugnay ng kaso nitong double murder at multiple frustrated murder.

Show comments