MANILA, Philippines - Binuksan kahapon ng Metropolitan Manila DeveÂlopment Authority (MMDA) ang ‘person with disability (PWD) pedestrian lane’ para sa may kaÂÂÂÂpansanang mga kababaihan sa CubaoÂ, Quezon City.
Ang pagbubukas nito sa kanto ng Aurora Blvd. at Imperial St. ay bilang pagkilala sa Women with Disabilities Day sa Marso 25.
Ang naturang pedestrian lane ay may nakaÂkabit na traffic signal system na may CCTV (closed circuit television) camera na nakakonekta sa MMDA metrobase.
Isang staff ng Metrobase ang magmomonitor sa naturang pedestrian lane ng 24 oras at may kapabilidad na magÂbigay ng instruksyon sa pagpapalit ng ilaw ng traffic light na maririnig ng mga motorista lalo na ang may mga taglay na “color blindnessâ€.
Bukod sa naturang kalÂsada, magtatayo rin ng kahalintulad na pedestrian lanes sa kanto ng Aurora Boulevard at J.P. Rizal Sts. sa Project 4, Quezon City at Santolan Road corner Marcos Highway sa Pasig City.
Ang Quezon City at Pasig City ang may piÂnakamalaking bilang ng PWDs sa buong Metro Manila.